isang kanta

i made a song. YAY! not yet through though... still lacks musical accompaniment and final rhythm, pending commission with PATTY ü

enjy this first as a prose ok?!
no stealing please... and read previous entry for the related blog
_____________________________________________
ang pait lilipas din
malunod ng alat ng luha
na lumipas din
tinuyo ng araw ng
bagong umagang dumating

at ang nakaraan
mananatili na lang
di na aasahan pa na magbabalik
kahit pa sa panaginip

ano mang lalim
ng yong paghimbing at minimithi
hihipan yan ng hangin
ika'y matatauhan din

kung kailan nagbabalik
bumitiw na'ng kapit
wala na an pag-asa na
sagipin ang mga nagdaan
(ulitin ang nasimulan)

at ang nakaraan
mananatili na lang
di na umaasa na magbabalik
kahit sa panaginip

isang araw ka'y magigising
nandyan pa'ng alaala
ang damdami'y ubos na
nandiyan pang alaala
ngunit mauubos din
wala ng pait at alat
lumipas na
buhat ng magising
isang umaga

No comments:

Post a Comment