di ko nalang kukunin...

hindi ko na lang nga kukunin, para wala na lang ding mawawala...

at kung mawala man ay hindi ako masasktan
bagamat hindi naman nga akin yun
sa buong mundo, bukod sa akin ay madami pa namang iba diyan
na maaaring kumupkop sa iyo
maaaring yungtunay na nangangailangan sa iyo
yung kinakailangan mo
yung naunang nagmamay-ari sa iyo
huli sa option... ako

pero masisisi mo ba ako kung bakit miski nandiyan ka lang ay hindi kita aangkinin
at isasama sa aking sisidlan...
kahit gusto ko ay dadaanin ko na lang sa panalangin na
sana umihip ang hangin at mapadpad ka na lang ng kusa sa akin

*pinutol ko ung ending. secret ko nalang un :D

No comments:

Post a Comment