pampelikula (like the movies)

Doon nakita ko ikaw at ako… tayo
Sa isang eksena at higit pa
Parang isang pelikula
Magulo… pero maganda

Bahagyang tunay at bahagyang kathang isip
Ganyan nga ba ang pag-ibig?
Sa panulat at direksyon ng tadhana
Lahat ay nauwi sa bahala

Sapat bang paniwalaan ang mga linyang nadidinig?
Mga props at make up na sitwasyo'y pinaririkit?
Kung ito lang ang paraan na ika'y makapiling
Sarili, hanggang saan nga ba dapat ipilit?

Sa ngayon ay naguguluhan pa din ako
Kung hanggang saan nga lang ba talaga ako
Kay ganda ng simula, gitna o ba't nawala?
Side B na ba o sadyang natapos na?

Magiging bida pa kaya ako?
O hanggang extra lang ang papel ko dito?
Ang pelikula na sana nga'y di nagwakas
Umaasa na lang na magka-sequel itong palabas

*
Like a movie...
creative writing: poetry
for my rhetoric class under the great Eros Atalia, UST

just made this this morning,at exactly one hour before the submission... workshop courtesy of myra, then did revision... and this is already the revised one. this was all i was able to do for now... had the concept for long now lurking in my mind... so i'm actually glad that i was finally able to verbalize it now... this is halfbaked though... i'm looking forward to coming up a better version. enjoy! :)

No comments:

Post a Comment