Nakakapikon.Ngayon lang nag-sink in

F.U! Ngayon lang nag-sink in.

Honestly, na-offend talaga ko. Kainis lang bakit di ako napikon… mabuti siguro yun kesa magalit ako, pero sana pala napikon ako noon. Alam ko kasi na pikon akong tao, pero dahil nga di daw maganda ang ugaling iyon ay pinilit kong iwasan yun. Pinag-aralan ko kung paano tumanggap ng biro, pagkatalo, pananakit, at kung anu-ano. Inisip ko na rin nga, mas matalino naman nga ako at mas may malaking kapasidad sa pagunawa kaya sige pagpapasensyahan nalang kita. Sige na ikaw na. At mula nga noon, nakalimutan ko na paano nga ba maging pikon. Tanggap lang ng tanggap, dinadaan sa ngiti kahit ang sakit minsan. Di bale na ang pride. Ang hirap. Naiipon lahat.

High blood. Hindi ko makuhang magalit ano man gawin sakin. Minsan inaatake lang ng high blood, pag sobrang pressure at stress, pero as much as possible iniiwasan kong may ma-offend ako… naisip ko yun. Kadalasan, ito ako, high blood hindi pikon. Gusto ko maging pikon.

Sana napikon ako noon. Hindi ko maintindihan minsan kung bakit pag naoffend ka e lalabas pa na nagiinarte ka e kung tutuusin sila tong dapat na magsorry sayo. Nakakapikon. Sinasabi ko to kasi naiinis na ko. Hindi na naman kasi talaga nakakatuwa. Hindi ba halata na enough na… Sabihin mo nang nag-iinarte ako, e karapatan ko to e bakit ba? Pikon ako pikon PIKON! Tanggapin mo na yun, katulad ng pagtanggap ko sa lahat ng ginagawa mo. At may hangganan lang yon. Mula ngayon, gusto ko nang matuto mainis at magalit.

Actually, mas disappointed ako kesa sa offended (kasi nga MABAIT ako at di na ko sanay na mapikon, ma-offend man ako, ihipan man ng hangin wala na.) Disappointed lang talaga ko, sa lipunan. Hanggang diyan lang ba talaga ang kaya ng pag-iisip mo? Nakaka-awa. Ang babaw! Ano ang pinagmamalaki mo? Meron ka man ng wala ako, kulang naman ang puso’t-pag-iisip mo.

No comments:

Post a Comment